NASUGBU, Batangas - Patay ang isang pulis matapos umanong pagbabarilin sa Nasugbu, Batangas noong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si PO2 Arnel Baral, 39, nakatalaga sa Tuy Municipal Police, at residente ng Lian, Batangas.

Tumakas naman ang suspek na si alyas “Andoy” at kinuha pa umano nito ang baril ng biktima.

Ayon sa report ni SPO2 Jose Elpidio Bruno Jr., nagpunta sa bilyaran ang biktima kasama ang pinsan na si Hermoso Cayabyab at kinausap ni Baral ang suspek at nagkasundo silang aarestuhin ang kaibigan ni Andoy.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Sinamahan umano ng suspek ang pulis pero habang naglalakad ay pinagbabaril nito ang biktima.