Magsasagawa ng libreng cleft lip at palate operation ang Rotary Club of Sta. Rosa-Centro sa proyekto nitong Helping Children Smile, Inc. (HCSI).
Sinimulan sa Australia ng mga ekspertong doktor at nurse, nakarating ang HCSI sa Pilipinas upang makatulong sa mga maralitang kabataan na may bingot.
Gaganapin ang libreng medical mission sa Pebrero 23 hanggang Marso 3, 2015 para sa mga siyam na buwan hanggang pitong taong gulang.
Maaaring tumawag sa 0918-9219463, 0906-8883926, at 0922-8490174.
Para sa screening requirements ng mga pasyente, maaaring mag-email sa [email protected] o personal na magsadya sa Doray’s Paanakan sa No. 784 F. Gomez Street, Barangay Ibaba, Sta. Rosa, Laguna.
Ang huling araw ng pagsusumite ng pangalan ng mga pasyente ay sa Pebrero 18, 2015.