Lee Seung Gi

SEOUL, KOREA -- “Lee Seung Gi is number one here, he’s very good!” Ito ang sabi sa amin ng manong driver na nag-service sa amin mula sa Incheon International Airport patungo sa bahay na titirhan namin dito sa Itaewon, Seoul.

Siyempre, Bossing DMB, mega-react kami nina Katotong Rohn Romulo, Noel Orsal at Kristina Orfiano dahil unang-una hindi naman natin masyadong napapanood sa mga koreanovelang ipinalalabas sa Pilipinas si Lee Seung Gi. Kaya paano siya naging sikat?

Mas sikat si Lee Min Ho para sa amin dahil kaliwa’t kanan ang koreanovela niya na katatapos pa nga lang last Friday ng Faith sa ABS-CBN.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Bukod dito ay mas maraming Asian tour si Lee Min Ho at sa katunayan ay ilang beses na siyang naimbitahan sa Pilipinas para sa promo ng clothing line na iniendorso niya at ng album na rin dahil kumakanta rin siya.

Samantalang si Lee Seung Gi na sobrang paborito ni Katotong Vinia Vivar ay isang beses lang namin napanood sa koreanovela sa Pilipinas at hindi pa yata nag-rate at hindi rin naman napag-usapan.

Pero ang sabi ng manong driver, “Lee Seung Gi is good in comedy,” sabay thumbs up, “number one here.”

How about Lee Min Ho?

“Good also,” sabay pakita ng manong driver ng litrato nila ng Korean actor na kuha raw sa airport isang araw bago kami dumating.

Hayun pala, mas matanda na si Lee Min Ho kaysa kay Lee Seung Gi na multi-talented daw dahil kumakanta rin bukod sa sikat na komedyante at magaling ding magdrama.

Hindi pa rin kami naniniwalang mas sikat si Lee Seung Gi kasi kahit dito sa Seoul ay mas marami ring product endorsement si Lee Min Ho kaya nagkalat ang posters sa lahat ng convenient stores samantalang wala naman kaming nakita ni isang poster o cover sa magazines ng una.

Tsinek tuloy namin kung ilang taon na si Lee Seung Gi dahil mas matanda raw si Lee Min Ho, eh, hindi naman pala totoo dahil mas matanda pa nga ang una ng limang buwan.

Naku, baka naman ang manong driver ay avid fan ni Lee Seung Gi pero may litrato sila ni Lee Min Ho na nakatago sa cellphone niya.