Kusang sumuko ang operator ng isang forklift matapos mapisak ng inililipat niyang container ang isang kargador ng saging sa North Harbor sa Manila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang sumukong forklift operator si Sonny de Pedro, 43, ng San Jose Del Monte, Bulacan, habang ang nasawi ay si Emterio Beto, 20-anyos, ng Balut, Tondo, Manila.

Kasalukuyang nakadetine si De Pedro sa Manila Police District (MPD) habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Lumitaw sa imbestigasyon na kabibili lang ni Beto ng mineral water mula sa kalapit na kantina dakong 11:15 ng gabi noong Sabado sa Slip 9, Pier 8, North Harbor nang mangyari ang trahedya.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Ayon kay PO3 Bernardo Cayabyab, hindi nakita ni De Pedro ang pagdaan ni Beto sa ilalim ng forklift kaya naipit ito ng container na noon ay inililipat ng suspek.

Halos madurog ang katawan ni Beto nang madaganan ng 20-footer container van, ayon sa ulat ng pulisya.