NAPANALUNAN ni Jolina Magdangal ang pinakaaasam na pot money ng The Singing Bee na lumobo na sa P930,000 mula P200,000 sa pangatlong araw bilang defending winner noong Biyernes (Enero 30).

Sa kabuuan ay umabot sa P990,000 ang naiuwing papremyo ng Flordeliza star simula noong Miyerkules (Enero 28).

Inaabangan kung mapapalaki pa ito ni Jolina ngayong Lunes (Peb 2) sa muli niyang pagtapak sa entablado ng The Singing Bee para depensahan ang kanyang titulo.

Magawa kayang umabot sa nalalapit na pagtatapos ng The Singing Bee sa Biyernes (Peb 6) na maaari niyang makaharap ang isa sa mga kampeon sa BEEritan na sina Bodie Cruz, Frenchie Dy, at Sheryl Cruz?

Pinatunayan ng mga nabanggit na celebrity ang husay nila sa song lyrics nang mapanalunan nila ang jackpot na P1milyon sa game show noon.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Maki-beerit sa huling linggo ng daily vitamin Bee ng Pinoy na The Singing Bee ngayong Pebrero 2 hanggang 6 ng 10:30 AM sa ABS-CBN.