NAKATAKDA nang ikasal ang Hollywood A-listers na sina Johnny Depp, 51 at Amber Heard, 28 sa susunod na linggo ayon sa People Magazine.

Gaganapin ang kasal ng dalawa sa 45-acre na private island ni Johnny sa Little Hall’s Pond Cay sa Bahamas.

Unang napabalita ang kasalang Johnny at Amber noong Enero ng nakaraang taon at naganap ang enggrandeng engagement party noong Marso 2014. 

Napabalita na naghiwalay na ang dalawa nang mamataan na solo-solo silang dumalo sa mga pagdiriwang sa Hollywood ngunit natigil din nang makitang magkasamang lumabas sa 8th Annual Heaven Gala noong Disyembre ng nakaraang taon at nakita ring naghahalikan.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Nagkakilala ang dalawa sa set ng The Rum Diary ngunit hindi nagsimulang mag-date bago sumapit ang 2012 nang mapabalitang hiwalay na si Depp sa long time lover niya na si Vanessa Paradis na ina ng kanyang dalawang anak.