Gretchen & Marjorie Barretto

NALAMAN namin mula sa isa naming source na may matinding away ngayon sina Gretchen Barreto at Marjorie Barretto.

Kung dati ay magkakampi ang dalawang magkapatid against sa kanilang ina at kay Claudine, ngayon naman daw ay magkaaway ang dalawa.

Ayon sa source, galit na galit si Gretchen kay Marjorie. Knows ng kausap namin kung ano ang pinag-ugatan ng awa ng magkapatid pero nakiusap siya na huwag na lang daw naming ungkatin bilang respeto na rin niya sa aktres na malapit sa kanya.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

“Sobrang abot-langit ang galit ngayon ni Gretchen kay Marjorie, hindi mo rin naman siya masisisi dahil sa ginawa ng kapatid niya sa kanya,” sey ng source.

Hindi akalain ni La Greta na magagawa iyon sa kanya ng inaakala niyang kakampi niya.

Banggit pa ng source, mukhang ngayon lang napagtanto ni Gretchen halos magkapareho lang pala ng ugali sina Marjorie at Claudine.

“Biglang nagising na lang si Gretchen isang araw at nalaman niyang may kakaibang ugali raw ang kapatid niyang si Marjorie. Kaya marahil lumalala ang awayan nila, eh, may kinalaman dito si Marjorie,” sey pa ng source namin.

Well, sana ay maayos ng magkapatid ang anumang hindi nila pagkakaunawaan lalung-lalo na si Marjorie na sa pagkakaalam namin ay may balak na bumalik sa mundo ng pulitika.