FINALLY, umamin na si Jake Vargas na may problema sila ng girlfriend niyang si Bea Binene sa one-on-one interview pagkatapos ng Q and A sa presscon ng Liwanag Sa Dilim.
Ilang beses kasing tinanong ang young actor tungkol sa problema nila ni Bea sa Q and A pero hindi niya sinagot at “okey po kami”.
Sa one-on-one interview nabanggit ni Jake na, “Parang nakukulangan po siya, siguro sa bonding naming dalawa. Siguro may hinahanap po siya, ‘yung worth niya.”
Ginagawa naman daw niya ang makakaya niya para maging okay sila ni Bea pero mukhang hindi sapat. Nabanggit nga raw niya sa girlfriend na, “Maging matured naman tayo, ‘wag puro away. Level up lang.”
“Mabarkada kasi ako,” saad ng aktor sa madalas na pinag-aawayan nila, at pakiramdam ni Bea ay bad influence ang mga kaibigan niya.
Ipinagtanggol niya ang mga ito dahil hindi naman kilala masyado ni Bea, “Sabi ko huwag silang husgahan.”
Dahil sa alitan, baka mauwi sa pagkabuwag ang love team nila.
“Hindi naman kasi ako ginagawa ko naman ang part ko at saka mahirap iwan ang love team, sayang din kasi at saka dito kami nagsimula” sagot ng binata.
Oo nga, matagal nang naririnig at kahit away-bati ang relasyon ay hindi naman sila naghihiwalay pa.
Mapapanood sa Pebrero 11 ang Liwanag Sa Dilim mula sa direksiyon ni Richard Somes mula sa APT Entertainment.