BACNOTAN, La Union - Nanumpa na bilang alkalde si dating Bacnotan Vice Mayor Francisco Fontanilla matapos magbitiw sa puwesto si Mayor Minda Fontanilla, ina ng bagong mayor, dahil sa pagbagsak ng kalusugan ng ginang.
Matatandaang magkasama sa partido ang mag-ina at mapalad naman silang nahalal noong 2013.
Tinanggap naman ni Gov. Manuel Ortega ang pagbibitiw ng nakatatandang Fontanilla upang higit na matutukan ng huli ang kalusugan nito.