KUNG visible na sa showbiz ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach, sumabak na rin sa telebisyon ang anak ni Vandolph Quizon na si Vito Quizon.
Sa youth-oriented program na Goin’ Bulilit unang sumabak si Vito na bibong-bibo rin gaya ni Alonzo na una namang napanood sa Eat Bulaga at sa My Little Bossing sa nakaraang MMFF.
Ilan lamang ang nakakaalam na magkapatid sina Vandolph at Wynwyn Marquez sa ina. Anak nina Joey Marquez at Alma Moreno si Wynwyn at si Vandolph naman ay anak ng yumaong si Mang Dolphy kay Alma.
Kaya kung tutuusin, auntie ang tawag ni Vito kay Wynwyn.
Tuloy, nalaman naming may mga miron sa set ng Goin’ Bulilit na nagtanong kay Vito ng “Ano’ng masasabi mo, kasali pala si Wynwyn sa Binibing Pilipinas?”
Saglit daw na natameme ang bagets bago nag-dialoque ng “Ha? Hindi naman siya (Wynwyn) maganda, ah?” na sobrang ikinaaliw ng mga naroroon sa set.
Well, sabi nga’y hindi nagsisinungaling ang mga bata. Kaya lang, kung iisipin natin ay mga bata ‘yan at nagsisimula pa lang sumalok ng kaalaman hanggang sa lumaki’t magkaisip. May alam ba ang bata, bukod sa pagkilala sa panlabas na kaanyuan sa qualities na tutugma sa panlasa ng mga hurado para piliin ang isang kandidata na masasabi nating pang-Miss U, pang-Miss International o Miss World ang dating?