TARLAC CITY – Batay sa record ng pulisya, nangunguna pa rin ang mga motorsiklo sa mga aksidente sa lansangan, gaya ng nangyari kamakailan sa Sitio Paroba sa Barangay Tibag, Tarlac City.
Ayon sa report ni SPO1 Lowell Directo, traffic investigator, nasugatan sa banggaan sina Mark Anthony Tonelada, 18, driver ng Honda SR-125, ng Bgy. Santa Maria, Tarlac City; Ronniel Galang, 28, driver ng Suzuki Raider (AM-5514), ng Bgy. San Roque, Tarlac City.
Grabe ring nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanilang mga kaangkas na sina Roel Joseph Manili, 16; at Racquel Atienza, 27, ng Sitio Paroba, Bgy. Tibag, Tarlac City.