Hiniling ng Dynamic Teen Company, nagsusulong sa Kariton Klasrum, sa sambayanan na suportahan ang kanilang proyekto.

Sa panayam ng Balita, sinabi ni 2009 CNN hero, 2009 Cable News Network hero, Mr. Efren Peñaflorida, kailangan nila ng 20 volunteers sa bawat lugar na pagdadalhan ng Kariton Klasrum. Bukod dito, kailangan din nila ng donasyong kariton, story books at iba pang babasahin, laruan at hygiene kits.

Ayon kay Peñaflorida, mayroong 106 Kariton Klasrum ang kanilang i-rollout sa National Capital Region habang mayroon pang 100 kariton ang ipinangako ng donors.
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!