Pebrero 1, 1972 nang ilunsad ng Hewlett-Packard (HP) ang unang scientific handheld calculator sa mundo, ito ay tinawag na HP-35 dahil sa pagkakaroon ng 35 pindutan. Nagkakahalaga ito ng $395, at ito ang unang calculator na maaaring gamitin sa logarithmic at trigonometric functions sa isang keystroke. Ang pulang light-emitting diode (LED) display ay nakapagbibigay ng scientific notations ng hanggang 10 digit ng mantissa, at dalawang digit ng exponent. Maraming beses na ibinaba ang presyo nito hanggang sa naging $195 na lang.

Makikita sa “Reverse Polish Notation” (RPN) ang mga numero at iba pang function para sa pagkalkula sa pamamagitan ng “ENTER” key, ngunit hindi ginagamitan ng parentheses o “=” key. Pinagagana ito ng rechargeable batteries at may ilang integrated circuit pagdating sa 79 ×147×34 mm (3.1” x 5.8” x 1.4”) case.

Nauna rito, nais ni Bill Hewlett na magdisenyo ng isang aparato na makatutulong sa pagresolba sa mahihirap na kuwentahing functions at algorithms para sa mga inhinyero. Taong 1975 nang maibenta ang halos 300,000 HP-35 calculator.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11