BALANGA, Bataan— Yayakap ang 2015 Le Tour de Filipinas sa isang emosyonal at kabayanihang tema upang parangalan ang 44 Special Action Force (SAF) troopers na nasawi sa kanilang ginagampanang trabaho kung saan ay papadyak na ang ika-6 na edisyon ng four-stage international race na aarangkada ngayon sa mga pangunahing kalsada.

Ang karera ay tatawaging “The Tour for Heroes” na magsisimula sa Bataan kung saan ang lugar ay isang makasaysayan para sa mga Pilipinong sundalo na ibinuwis ang buhay laban sa pagkubkub ng Japanese forces sa World War II.

“To start the 2015 Le Tour in Bataan at a time the nation is in mourning for the 44 slain SAF forces in Mamasapano [Maguindanao] inspires us to dedicate the race to our fallen heroes,” saad ni Donna Lina Flavier, presidente ng race organizer na Ube Media Inc.

“The Le Tour de Filipinas is not only about sports and competition, it’s about fostering lasting peace among nations through cycling,” dagdag ni Lina-Flavier.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Isang panandaliang pananahimik ang iaalay sa mga nasawing SAF troopers (Fallen 44) sa pagbubukas ng makulay na seremonya kung saan si Bataan Gov. Abet Garcia at Balanga Mayor Joet Garcia ang magpapasinaya sa karera na iprinisinta ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation at Smart.

Mag-aalay din ng taimtim na pagdarasal ngayong umaga bago ang flag off para sa Balanga-Balanga 126-km Stage One ng International Cycling Union Asia Tour race na suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon kasama ang Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang road partners.

Mamumuno sa kampanya ng Pilipinas para sa 15-team race, ang 13 ay foreign squads, ay si defending champion Mark John Lexer Galedo ng PhilCycling’s national men’s team at Baler Ravina, ang 2012 winner para sa 7-Eleven by Road Bike Philippines.

Batid nina Galedo at Ravina, at anim na iba pang Filipino riders na nakahanay sa mix, kung gaano kabigat ang labanan, partikular ang dalawang Iranian teams na pangungunahan ng dalawang mga dating kampeon at Asia’s No. 1 sa UCI rankings.

“We cannot promise anything but what is definite is that I and my teammates will do our best,” saad ni Galedo na itinuon ang nagdaang dalawang taon, noong 2012 at 2014, na ang Le Tour ay pinagwagian ng Filipino kung saan ay walang nagpartisipang Iranian team.

Ipaparada ng Iranian powerhouse continental team Tabriz Petrochemical Team ang 2013 titlist na si Ghader Mizbani habang inilinya ng Pishgaman Yzad Pro Cycling Team si 2011 champion Rahim Emami at ang continent’s top-ranked road rider na Mirsamad Poorseyediholakhour.