MELBOURNE, Australia (AP)- Pinaikli lamang ni Serena Williams ang kanyang pag-eensayo sa gabi ng kanyang Australian Open final kontra kay Maria Sharapova sanhi ng sipon na kanyang naramdaman sa mga nagdaang linggo.

Napanood ang No. 1-ranked American sa footage ng Australia’s Channel 7 network habang umuubo at sumisinga sa kanyang tuwalya bago inabandona ang kanyang practice session kahapon.

Sinabi nito sa isang statement na inilabas ng WTA: ‘’I had a false start (this morning). I wasn’t feeling really well. I’ve been sick with a cold all week, and I got better, then I got worse the morning.’’

Subalit bumuti ito nang muling magbalik sa practice sa katanghalian.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Target ni Williams ang kanyang 19th Grand Slam singles title sa kanyang pagharap kay Sharapova.