Pinuri ng United Nations (UN) ang imbestigasyon na sinimulan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero 25.

Ikinagalak din ng UN ang deklarasyon ng administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III at ng MILF na magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa kabila ng pagkamatay ng 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at 11 miyembro ng MILF sa insidente.

Sa isang pahayag, nagpahayag ng pakikiramay ang UN sa pamilya ng 44 na nasawi mula sa PNP-SAF.

“The United Nations team in the Philippines joins in mourning those who lost their lives in the tragic incident of January 25 in Mamasapano in Mindanao, and expresses its condolences to the affected families,” pahayag ng UN.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We welcome the conduct of investigations by the Government and the MILF into the incident, and the commitments expressed by President Benigno S. Aquino III, MILF Chairman Ebrahim Murad and other concerned parties in regard to sustaining focus on the peace process,” ayon sa international body.

Tiniyak ng grupo na patuloy ang kanilang ayuda upang matiyak na magiging matagumpay ang prosesong pangkapayapaan sa pamamagitan ng UN Peace Building Fund.