Tayo po ay nanalangin para sa 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na namatay sa hindi makataong pamamaraan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ipinagdarasal ng ating mahal na Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maibsan ang nararamdamang pighati ng mga naulila ng mga pulis na namatay dahil sa pagtugon sa kanilang tungkulin. Noong Biyernes, hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat ng pari sa Archdiocese of Manila na isama sa kanilang misa ang panalangin para sa kanilang kaluluwa.

Hindi rin maitago ni Cardinal Tagle ang kaniyang pangamba sa karumaldumal na pagpaslang sa mga kagawad ng PNP-SA F. “Personal ko ito, nasa harapan tayo ng misteryo ng dilim. Bakit kayang saktan ng tao ang kapwa tao? Bakit kayang balewalain ang isang magandang hangarin ng kapayapaan? Kasi maganda naman ang kapayapaan, maganda naman ang magmahal pero bakit mayroong bahagi ng ating pagkatao na ayaw sumang-ayon diyan? Nakakikilabot,” pahayag ng ating mahal na cardinal.

* * *

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kahit pa moderno na ang panahon, ang karahasan sa kababaihan ay nananatili pa ring pandaigdigang isyu. Ayon sa World Health Organization (WHO) 35% ng mga kababaihan sa mundo ang tinatayang nakaranas ng intimate partner o non-partner violence sa kanilang buhay.

Malaki ang epekto ng karahasan sa kababaihan. Ito ay hindi lamang nagdudulot ng physical health problems sa mga biktima, ito rin ay nagdadala ng mental, sexual, reproductive at iba pang health problems. Kadalasan, nagdadala ito ng trauma, hindi lamang sa babae, kundi sa kanilang mga supling. Tinatayang 30% ng kababaihan na nagkaroon ng karelasyon ay nakaranas na ng physical violence mula sa kanilang naging mga partner. Dagdag pa ng WHO umaabot sa 38% ng mga ‘murder’ o pagpaslang sa mga babae ay ginawa ng kanilang intimate partners.

Sa ating bansa, ayon sa DSWD noong 2012, isa sa limang babaeng may edad 15-49 ay nakaranas na ng physical violence, 14.4% naman naman ng mga may-asawa ay nakaranas na ng physical abuse mula sa kanilang esposo, at 37% naman ng mga biyuda at mga separada ay nagsasabi na sila ay nakaranas rin ng physical violence.