Kinumpirma ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Murad Ebrahim na si Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan,” ang napatay ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo.

Sinabi ni Murad na nagulat sila nang malamang naroroon si Marwan sa lugar na malapit sa kanilang mga tauhan.

Idinagdag pa ng MILF na agad umano silang nangalap ng impormasyon upang maberipika na ang wanted na Malaysian bomb expert nga ang napatay ng mga commando.

Kinumpirma rin ng asawa ni Marwan na si Joromee Dongon ang naturang ulat.

National

'Pinakamataas mula 2008!' Self-rated poverty, tumaas sa 58% nitong Q2 ng 2024

Isinalaysay umano ng survivor na miyembro ng SAF na napaslang nila ang terorista bago nakasagupa ng mga kasamahan niya ang daan-daang miyembro ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Pitutol pa umano ang isang daliri ni Marwan para masiguro na siya ang napatay sa nasabing police operation.