Atleast a thousand applicants , as of noon of January 31, 2015, find their luck to find a job at the One-day Manila Bulletin classified Job Fair 2015 on January 31, 2015 at SM Cebu City TradeHall. (Photo by: Juan Carlo de Vela) Mbnewspictures / mbnewspix

CEBU CITY - Isa si Norman Solamo, 40, sa mga maagang pumila upang mag-apply ng trabaho sa pagbubukas ng Manila Bulletin Classified Jobs Fair sa SM City Cebu Trade Hall kahapon, at puno siya ng pag-asa na makahahanap na ng oportunidad sa pagkakakitaan para makatulong sa kanyang pamilya.

Dating nagtatrabaho bilang welder sa Jeddah, Saudi Arabia, dumating sa Pilipinas si Solamo noong Hulyo 2014.

Naniniwala sa kasabihang “daig ng maagap ang masipag,” umaasa si Solamo na muling makahahanap ng trabaho sa ibang bansa sa kanyang maagang pagtungo sa job fair habang bitbit ang mahahalagang dokumento sa kanyang pag-a-apply sa trabaho.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasalukuyang namamasada ng tricycle sa kanilang lugar, nag-apply ang dating iskolar ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng overseas job sa EuroAsia Philppines, Inc. bilang welder. Kasalukuyan ding naka-enroll sa automotive course ang dating kumikita ng P27,000 kada buwan bilang welder sa Jeddah.

Nagpasalamat si Solamo sa mga organizer ng MB Classified Jobs Fair dahil sa magandang pakikitungo ng mga ito at walang kapagurang pagtulong sa mga job seeker na mula sa iba’t ibang lugar ng rehiyon ng Visayas.