Sa nakalipas na apat na dekada, malaking problema ng ating bansa ang kawalan ng katiwasayan sa Mindanao. Marami nang buhay ng mga magiting na kawal ng Philippine Army ang nabuwis. Gayundin sa panig ng mga Muslim na may kanya-kanyang grupo na ang napatay at dugo nila’y dumilig na rin sa lupa ng Mindanao. Dahil dito, mahirap at hindi umuunlad at bansot pa rin ang progreso. Patuloy naman ang pamalaaan sa paglutas ng ang problema. Makailang ulit na nabigo. Ngunit noong Marso 27, 2014, lumagda ang pamahalaan at ang Moro Islaimc Liberation Front (MILF) sa Comprehensive Bangsamoro Agreement (CAB). Isa sa pangunahing layunin ng peace accord ay makamit ang tunay at mailap na kapapayapaan na may katarungan sa Maindanao. Nabuo ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Tinatalakay ang nilalaman nito sa Kongreso.

Ngunit habang nasa kasagsagan ang talakayan sa BBL sa Kongreso at Senado, nahinto ang pagtalakay nang magkaroon ng madugong sagupaan noong masdaling-araw ng Enero 25 ang mga tauhan Philippine National Police -Special Action Force (PNP-SAF) at ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamapasano, Maguindanao, May 44 tauhan ng PNP-SAF ang napatay at 12 ang sugatan. Ang operation ng mga tauhan ng PNP-SAF sa Mamapasano ay upang dakpin ang dalawang international terrorist na sina Basit Usman at Zulkipi bin Hit, alyas Marwan. Ang sagupaan ay tumagal ng walong oras. Ayon sa report ay isa lamang tauhan ng PNP-SAF ang nakaligatas sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog.

Sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng SAF, may iba’t ibang reaksiyon ang marami natin kababayan. Matinding kinondena ang nangyari sa mga tauhan ng SAF. Isang dating Senador at naging hepe ng PNP ang nagsabi na hindi sagupaan ang naganap kundi minasaker ang mga tauhan ng SAF.

Sa Senado, tatlong senador ang binawi ang kanilang suporta BBL. Ayon kay Senate Majority leader Alan Peter Cayetano, mahirap makipag-usap kung hindi seryoso ang kaharap at hindi naman daw basta engkuwentro lamang ang naganap kundi malinaw na masaker. Ang BIFF ay BBF (Best Friend Forever) ng MILF. Sa Malacanang, ang Pangulong PNoy ay nagsalita marami ang na-dissapoint sapagkat parang Poncio Pilato siya na hugas-kamay at iwas pusoy sa nangyari. Parang sinisi pa ang mga tauhan ng SAF sa kawalan ng koordinasyon. Sa kamatayan ng 44 na tauhan ng SAF, lalo kayang maging mailap ang kapayapaan sa Mindanao? At mapagtibay pa kaya ang BBL?
National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!