Luis & Angel

SI Luis Manzano na ang bagong endorser ng Puregold kaya tiyak na lalo itong lalakas dahil halos lahat ng iniendorso ng TV host/actor ay tinatangkilik ng masa katulad din ng mga inendorso ng nanay niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Sa press launch kay Luis bilang Puregold ambassador, agad siyang tinanong kung may kasama bang isang branch ng Puregold ang ibinayad sa kanya.

Ganito kasi ang uso ngayon sa mga celebrity endorser, kapag kinuhang ambassador ay may branch ding ibibigay bukod sa talent fee na cash.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Kung si Luis daw ang masusunod ay gusto niya pero, “Híndi, eh, ipinagpipilitan ko na nga ang sarili ko sa whole family na kung puwede ba ‘yung TF ko na lang, eh, isang branch pero hindi talaga, eh, hindi kaya, eh.”

Dahil hindi kinaya ng talent fee na ibinayad kay Luis ang isang branch ng Puregold, may plano ba ang binata na kumuha.

“When I was hosting Tindahan ni Aling Puring, I got to witness first hand kung gaano karaming tao ang natutulungan ng Puregold, nakita ko kung gaano karami ang guminhawa ang buhay. This is not because I’m speaking here as an endorser. I got to witness it first hand na ang dami nilang buhay na natulungan, and if I would be a medium to help people, then who would say no to them?” say ni Luis.

Ang isa pang itinanong kay Luis kung nakapag-decide na ba siyang pumasok sa pulitika.

“Very soon. Nauusog lang. Once again, nag-usap kami ni Tito (Sen.) Ralph (Recto), I think it was his birthday, noong first week ng January, I was in Alabang with my family, nu’ng later part in the evening, napag-usapan nga namin that we have to talk again first. One foot is in yes, one foot it is no. The question is which foot moves to the other side,” sagot ng binata.

At ang isa pang tanong, kailan ba ang kasal nila ni Angel Locsin?

Hindi naman itinanggi ni Luis na pinag-uusapan na nila ni Angel ang kasal at kung sino ang mga imbitado, sponsors at kung sino ang kakanta sa ceremony.

“We’re starting to have a clearer picture. Things are getting clearer sa future namin,” pahayag ni Luis.

Ang petsa na lang daw ng kasal ang wala pa dahil hindi pa nila ito napag-uusapan.