LAOAG CITY - Target ng Ilocos Norte na maging Best Little Province sa bansa pagsapit ng 2020.

Ito ang inihayag ni Gov. Imee Marcos, sinabing isa ang Ilocos Norte sa pinakamahihirap na lalawigan sa bansa at nakapagtala ng 9.9 poverty incidence reduction rate.

Dahil dito, target ng pamahalaang panglalawigan na palawigin ang programa nito sa edukasyon, hanapbuhay, kalusugan, murang pabahay, pagpapatitulo, kapaligiran,irigasyon, turismo, imprastruktura, kapayapaan at kaayusan at iba pa kaya hanga ng probinsiya na makalikom ng P1.1 bilyon.

Sa ngayon, itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan ang “Iskolar ni Manang Imee,” ang programang “Sirib”, ang pagbuhay sa kulturang Ilokano sa “Saranay at Danggayan”, ang “Task Force Trabaho”, ang “Sagip Nars” program at ang programang cash-for-work.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists