CAMP OLIVAS, Pampanga – Dalawang hinihinalang kilabot na drug pusher ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Provincial Public Safety Company (BPPSC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa isang buy-bust operation sa Plaridel, Bulacan, nitong Biyernes.

Sa report ni Senior Supt. Ferdinand O. Devina, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, kay Chief Supt. Ronald V. Santos, Police Regional Office (PRO)-3 director, ay kinilala ang mga nadakip na sina Jacob Pergis Cordero, 44, alyas “Ogie”; at Henry Cordero Ramos, 36, kapwa residente ng 0366 Reyes Street, Dapdap Banga 1st, Plaridel, Bulacan.

Sinabi ni Devina na dakong 10:00 ng umaga nitong Biyernes nang ipatupad ang mga awtoridad, sa pangunguna ni Supt. Frankie C. Candelario, BPPSC, company commander at ng PDEA-3, ang search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Primo Sio Jr. ng Regional Trial Court-Third Judicial Region, Cabanatuan City, sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nakumpiska ng pulisya mula sa mga suspek ang 102 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na nagkakahalaga ng P500,000; 14 na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana; dalawang .22 caliber revolver na may siyam na bala; isang .38 caliber revolver na may 11 bala; isang digital weighing scale; at iba’t ibang drug paraphernalia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Devina na ang mga naaresto ay kabilang sa listahan ng mga high-value target na kumikilos sa Plaridel at sa iba pang bayan ng Bulacan.