Sinentensiyahan ng Sandiganbayan ng 10-taong pagkakakulong ang dalawang dating opisyal ng Leyte Metropolitan Water District (LMWD) dahil sa pagtanggap ng suweldo na sobra sa itinakda sa batas.

Kabilang sa mga hinatulan si dating LMWD General Manager Ranulfo, at dating board member na si Dr. Cesar Aquitania, matapos mapatunayang guilty sa kasong malversation at paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Si Aquitania ay isang prominenteng doktor na eksperto sa Eye, Ear, Nose, Throat (EENT) at may ari ng ilang establisimiyento sa siyudad na ito.

Napatunayan ng Sandiganbayan na inaprubahan ng dating board of directors ng LMWD ang Resolution No. 98-33 na nagtataas sa sahod ni Feliciano sa P57,146 kada buwan mula sa dating P18,749 nang walang kaukulang awtorisasyon at pagbalewala sa itinakdang suweldo base sa plantilla na aprubado ng Department of Budget and Management (DBM).

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Napag-alaman din ng korte na inaprubahan at nakatanggap si Feliciano ng dagdag-suweldo na umabot sa P506,246.26.

Sinentensiyahan ng anti-graft court sina Feliciano at Aquitania na makulong mula anim hanggang 10 taon dahil sa kasong graft.

Sa kasong malversation, si Feliciano ay hinatulan ng 10-18 taong pagkakakulong at pinagmulta ng korte ng P506.246.26.