Nagsagawa kahapon ng “sympathy walk” patungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang halos 1,000 miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) bilang pagpapakita ng simpatya at suporta sa tinaguriang “Fallen 44” ng Special Action Force (SAF), na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindano.

Dakong 5:00 ng umaga nang pangunahan ni Senior Supt. Gilbert Cruz ang PNPA alumni sa pagmamartsa simula sa Bayani Road sa Fort Bonifacio patungong Camp Bagong Diwa sa National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters, na roon dalawang araw na ibinurol ang 42 sa 44 na nasawing SAF member matapos dumating ang mga labi ng mga ito sa Villamor Air Base sa Pasay City nitong Huwebes.

Nabatid na sumama sa sympathy walk ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mga truck ng Bureau of Fire Protection (BFO), at nakiisa rin si Vice President Jejomar Binay.

Naglagay ng itim na ribbon ang mga nagmartsa bilang tanda ng pakikiramay sa mga naulila ng mga nasawing miyembro ng SAF at ilan sa mga ito ay may bitbit namang bulaklak at placard na nasusulatan ng panawagan ng hustisya.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente