Humihiling ang pinakamalaking grupo ng manggagawa sa bansa ng P136 na dagdag sa suweldo para sa mga kumikita ng minimum sa Metro Manila upang maibsan kahit paano ang epekto sa mga manggagawa ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Isinumite nitong Huwebes ng Trade Union Congress of Philippines (TUCP) ang wage petition sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards-National Capital Region (RTWPB-NCR) sa itinakdang konsultasyon sa mga stakeholder.

Ayon sa TUCP, layunin ng P136 na “living wage” na maibalik ang kakayahang mamili ng mga kumikita ng minimum, na “eroded” ng ilang usaping pang-ekonomiya sa Metro Manila.

“Ang tunay na halaga ng kasalukuyang P466 na minimum wage ay P299 lamang,” sabi ni TUCP Spokesperson Alan Tanjusay. “Hindi ito makakabuhay ng pamilya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Dahil dito, maraming empleyado ang nahihirapan at napapahilera na lang sa mga hikahos na manggagawa.”

Kung maaaprubahan ng regional wage board, tataas na sa P602 ang kasalukuyang P466 na minimum wage sa Metro Manila.