Labing-isang barangay sa Hacienda Luisita ang magpapartisipa sa Yellow Ribbon Movement’s PNoy Sports ngayon upang i-promote ang kalusugan , wellness at re-live ethnic sports sa bansa.

Dadalhin ng YRM ang event sa ikatlong leg sa Tarlac upang gunitain ang kapanganakan ni dating President Corazon C. Aquino.

Ito ang ikatlong takbuhan para sa makabuluhang kampanya. Ang una ay noong Agosto 2013 sa Quezon City Memorial Circle, sinabakan ng kabuuang 700 mga bata at kanilang mga magulang/guardians, at ang ikalawang takbuhan ay noong Nobyembre na walong libong mga bata na mula sa Akap sa Bata Foundation, Leyte at Apolinario Mabini Elementary School ang dinala sa Rizal Park upang magpartisipa sa laro.

“Ethnic sports is our tradition. We are proud to bring this to the North, particularly to Tarlac, the home of two great presidents and a national hero,” saad ni YRM President Margie Juico, ang proponent ng naturang kampanya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pasisinayaan ni Mike Swift, ang unang Filipino sa USA ang nagmay-ari ng record label, sa ikatlong leg.

Si Swift, ipinanganak sa Pilipinas ngunit lumaki sa New York City, ay co-founder ng independent Head Bop Music noong 1998. Pinangunahan niya ang Road to Araneta, ang gathering ng local at international hip hop at rap artists noong Abril 9, 2014.

Ipo-promote ni Swift ang kanyang awitin na, “Idol Ko” kasama si Kylie Padilla sa kasagsagan ng PNoy Sports event sa Barangay Lourdes, San Miguel, Tarlac, sa loob ng Hacienda Luisita.

Ang iba pang celebrity singers at volunteers ay sasali rin sa naturang Filipino games.