Sinisikap ng Pilipinas na mapigilan ang pagbitay sa isang Pilipina na nahaharap sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa Indonesia dahil sa drug smuggling, sinabi ng foreign ministry noong Huwebes.

“The Philippine government is making all the appropriate representations with the Indonesian government at all levels on our… request for judicial review,” pahayag ni foreign affairs spokesman Charles Jose.

Sinabi niya na naghain na sila ng application para marepaso ang sentensiya ng babae sa isang district court malapit sa Yogyakarta noong nakaraang linggo.

Sinasabing ang Pinay – hindi ibinunyag ang pangalan — ay inaresto sa Yogyakarta airport noong Abril 2010 dala ang 2.6 kilo ng heroin sa isang flight mula sa Malaysia.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente