Hinimok ng Pilipinas ang mga kapwa nasyon sa Southeast Asia na hilingin na agad ipatigil ng China ang land reclamation nito sa pinagaagawang mga reef sa South China Sea, nagbabala na mababawasan ang kredibilidad ng 10-nation bloc kapag nanatili itong tahimik sa isyu.
Sinabi ni Foreign Secretary Albert del Rosario sa Association of Southeast Asian Nations ministers na ang malawakang reclamation ng China, na lumalabas lahat ay “ near completion as portrayed by available photos,” ay maaaring maging banta sa freedom of navigation at biodiversity ng rehiyon.
Nababahala rin ang mga katabing bansa ng China na ang reclaimed areas, na ngayon ay nasa mga teritoryong kontrolado ng mga Chinese na napakalayo sa kanyang mainland, ay maaaring gamitin ng Beijing bilang offshore military bases at re-supply and refueling hubs upang palakasin ang kanyang territorial claims.
“ASEAN cannot remain silent on these serious developments,”pahayag ni Del Rosario sa top diplomats ng bloc sa isang pagpupulong noong Miyerkules sa Kota Kinabalu city sa Malaysia. “To do so, would be a grave mistake with fundamental strategic consequences.”
Iprinotesta ng Pilipinas, Vietnam at Malaysia ang mga land reclamation, na ginawang mga isla ang Johnson South Reef at iba pang underwater coral outcrops sa Spratly archipelago.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang mga opisyal ng US sa mga aktibidad ng China.
Ayon kay del Rosario, “inaction on this would undermine the principle of centrality, since we are unable to address in a collective and unified manner such a critical issue in our own backyard.”
“With both freedom of navigation, peace and stability at risk, ASEAN as a regional force should consider reaching out to the community of nations to help us say to China that what it is doing is wrong, that it must immediately stop its reclamation activities,”ani Del Rosario
Wala pang komento ang Chinese Embassy sa Manila.