Umabot sa P50 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng District Anti-Illegal Drugs Special Operation Groups (DAID-SOTG) sa buy-bust operation sa Quezon City, na apat na hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga ang naaresto kahapon ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao ang mga suspek na sina Chua Kevin Ang, 41, ng No. 144 Reyna Pagenta Street, Binondo, Manila; Wang Zhi Gui, 32, Filipino-Chinese; Al-Insan, 26, ng Marawi, ng Block 9, Lot 1, Santan St., Dasmariñas, Cavite; at Michelle Permall, 30, ng Barangay Bungad, Quezon City.

Ang apat ay nakapiit ngayon sa QCPD makaraang kasuhan ng paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

Base sa report ni Supt. Roberto Razon, dakong 8:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation sa panulukan ng Alvero at Katipunan Streets sa Bgy. Loyola Heights, Quezon City.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Nabatid sa imbestigasyon na matapos ang pagsalakay ng mga operatiba ng DAID-SOTG sa naturang restoran ay agad nagkaroon ng transaksiyon sa pagitan ng poseur buyer at mga suspek.

Sa tulong ng isang poseur-buyer ay nabawi ng pulisya ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon sa apat na suspek na sakay sa isang Ford Focus, isang Mazda at Toyota Altis.