Patuloy na binabantayan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang sitwasyong pampulitika at seguridad sa Sana’a at sa nalalabing bahagi ng Republic of Yemen kaya muling iniapela sa lahat ng Pinoy doon na agad lumikas sa naturang bansa.

Ayon sa Embahada huling pangyayari ay ang pagbibitiw ng mga matataas na opisyal ng Yemeni government matapos okupahan ng mga rebeldeng Houthi ang presidential palace.

Nanawagan ang Embahada sa lahat ng mga kababayan sa Yemen na agad umalis o lumikas lalo na’t ang nasabing bansa ay nanatiling nasa ilalim ng Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) at awtomatikong ipinagbabawal ang pagpapadala ng Pinoy workers habang ang mga nasa bakasyon ay hindi na pinapayagang bumalik sa naturang bansa.

Mahigpit na bilin sa mga Pinoy na iwasang bumiyahe o lumabas ng kanilang bahay kung hindi naman importante upang maiwasang madamay sa tama ng ligaw na bala. Pinagbabawalan din ang mga kababayan na sumali sa anumang kilos protesta at mga lugar na may kaguluhan. Kung kailangan, inaabisuhan ang mga ito na umalis sa kanilang bahay na malapit sa mg lugar na may karahasan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga Pinoy na nais kumuha ng Voluntary Repatriation ay agad makipag-ugnayan sa Crisis Management Team (CMT) sa Sana’a para sa ayuda.

Muling pinaalalahanan ang mga Pinoy sa lahat ng lungsod at rehiyon sa Yemen na magrehistro sa Embahada o i-update ang kanilang registrations sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng Embassy sa website www.riyadhpe.dfa.gov.ph at punan ang “OFW Online Registration” form.

Maaaring tawagan ang Crisis Management Team sa Movenpick Hotel Sana’a, Berlin St., Sana’a, Yemen sa +967-73-384-4958 at hanapin si Mr. Mohammad Saleh Al Jamal, Honorary Consul, Philippine Consulate sa Sana’a, UPS, Damascus St., Hadda Area, Sana’a, +967-1-416-751, Fax: +967-1-418-254, Mobile: +967-777-255-511, o mag-email sa [email protected]