Isang mataas na opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang inaasahang magsisilbi bilang acting chairman ng poll body kasunod ng pagreretiro ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. at ng dalawa pang komisyuner sa susunod na linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni Brillantes na sa en banc session nitong Miyerkules ay nagkaroon ng verbal agreement ang natitirang tatlong komisyuner tungkol sa pansamantalang mamumuno bilang Comelec chairman hanggang makapagtalaga si Pangulong Benigno S. Aquino III ng bagong chairman ng komisyon.

Aniya, nagkasundo na sina Commissioners Arthur Lim at Al Parreno na si Commissioner Christian Robert Lim—ang pinaka-senior sa larangan ng appointment—ang dapat na maging acting chairman.

“Si Commissioner Bot Lim ang in-appoint pagkatapos ko. April ng 2011,” paliwanag ni Brillantes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Wala naman sa pulong si Commissioner Luie Guia, na may opisyal na biyahe sa Indonesia.

Bukod kay Brillantes, magreretiro na rin sa Pebrero 2 sina Commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle.