empress-schuck-copy-467x500

KAPANA-PANABIK ang Kailan Ba Tama Ang Mali na malapit nang ipalabas sa Afternoon Prime ng GMA-7 na magpapatunay na hahamakin ng pag-ibig ang lahat.

Ngayong Pebrero, ihahandog ng GMA Network ang kakaibang kuwento ng pag-ibig na mag-iiwan ng marka, mag-papaalala, at mag-bibigay ng repleksiyon sa lahat ng mga manonood nito. Ang Kailan Ba Tama Ang Mali ay kuwento nina Amanda, Leo, Oliver, at Sonya na handang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Ang mahirap na pagpili o pagdedesisyon at pagpili ng tama at mali. Maraming tanong sa isip at paghihirap at mararanasan ng bawat karakter habang hinahamak ang bawat sitwasyon laban sa kurot ng pag-ibig.

Ipakikita sa kuwento ang kakaibang relasyon nina Amanda at Leo na makakahanap ng bagong pagkalinga sa karakter nina Oliver at Sonya na ina ng anak ni Leo. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakaroon ng sakit ni Leo, isang trahedya ang magtutulak sa lahat upang mamili sa iniisip nilang tama kahit mali para sa iba.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Tama bang mahalin pa rin ni Leo si Amanda kahit may anak ito kay Sonya? O tama bang tuluyan nang hiwalayan ni Amanda si Oliver matapos ang lahat ng ibinigay niya?

Tampok sa serye ang ilan sa mga de-kalibreng artista ng Kapuso Network sa pangunguna nina Geoff Eigenmann bilang si Leo, ang mapagmahal, mabait ngunit makasariling asawa; Max Collins, bilang Amanda, ang asawa ni Leo, breadwinner at responsableng asawa; Dion Ignacio bilang Oliver, boss ni Amanda na biglang magkakagusto sa kanya; at ang nagbabalik Kapuso na si Empress Schuck bilang Sonya, ang babaeng magmamahal kay Leo kahit may asawa na.

Kasama rin sa serye sina Shamaine Buencamino bilang Auring, ang mapagmahal na ina ni Amanda, Ryza Cenon bilang Rita, ang mapagkalingang kapatid ni Sonya, Chariz Solomon bilang Bianca, ang liberated na kaibigan ni Sonya, Ash Ortega bilang Angeli, ang kababatang kapatid ni Amanda, Ervic Vijandre bilang Joseph, ang best friend ni Leo, at Ken Alfonso bilang Thomas, best friend at business partner ni Oliver.

Mula sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr., ang Kailan Ba Tama Ang Mali ay mapapanood na simula sa Pebrero 9, sa GMA Afternoon Prime.