Xian-copy-463x500

MARIING itinanggi ni Direk Richard Somes sa presscon ng pelikulang Liwanag Sa Dilim ang lumabas na isyu tungkol sa pagkakatsugi ni Xian Lim sa seryeng Bridges of Love.

Tulad sa Liwanag sa Dilim ay si Direk Richard din kasi ang direktor ng naturang serye ng ABS CBN.

Paliwanag ni Direk Richard, ang walang tigil na demand ng fans na ibalik ang tambalang Xian Lim at Kim Chiu ang talagang dahilan kaya nawala ang aktor sa teleseryeng pagbibidahan din nina Jericho Rosales at Maja Salvador.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“Sobrang maganda ang demand ng fans ng Xian and Kim Chiu. That’s why pinagsama sila ulit kasi nami-miss na ang partnership nila. I think ‘yon ang narinig ko at nabasa ko sa social media. Aside from that, wala nang ibang problema,” sabi ni Direk Richard.

Kabaligtaran naman daw ‘yung mga nasusulat tungkol kay Xian na hindi raw maka-deliver nang maayos sa hinihinging acting. Wala naman daw siyang naranasang problema kay Xian, lalo na pagdating sa pag-arte.

“Alam mo naman ang actors ng Dos, they are all very good in terms of acting and how they deal sa set. Honestly, outsider akong director, pero I haven’t seen any problem. Kung anuman ‘yung isyu kay Xian or kung bakit pinalitan, wala akong problemang nakita,” sey pa rin ni Direk.

Nakikita raw niya ang dedikasyon ni Xian sa trabaho at napapansin niya kung gaano kamahal ng aktor ang papel na gagampanan. Hindi na raw dapat bigyan ng iba pang kulay ang pagkawala ni Xian sa Bridges of Love.

“Huwag na lang natin pansinin kasi hindi totoo ‘yan,” sey pa ng direktor ng Liwanag Sa Dilim na malapit nang ipapalabas ng APT Entertainment.

Magkakasama sa naturang movie sina Jake Vargas, Bea Binene, Sunshine Cruz, Sarah Labati, Igi Flores, Rico Blanco, Dante Rivero, Freddie Webb at marami pang iba.