BEIJING (AP)— Hiniling ng maraming pamilyang Chinese ng mga pasahero ng nawawalang Malaysian airliner noong Miyerkules na bawiin ng mga opisyal ng Malaysia ang kanilang pahayag na patay na ang lahat ng sakay nito, sinabi na kung walang matibay na ebidensiya ay hindi nila nais na simulan ang compensation claims.

Pormal nang idineklara ng gobyerno ng Malaysia ang nawawala pa ring Malaysia Airlines Flight 370 na isang aksidente noong Huwebes at sinabi na ang lahat ng sakay nito ay ipinapalagay na patay na, upang mabigyang daan ang pagsisimula ng claims. Karamihan ng mga pamilya ng mga biktima sa China — kung saan nanggaling ang karamihan ng mga pasahero — ay umaasa pa rin na buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.

“We not only demand the Malaysian government retract the statement, but also issue an apology,” pahayag ni Jiang Hui, ina ng isa sa mga sakay na pasahero, noong Biyernes. “That’s the wish of the majority of family members.”
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente