Jake-at-Bea-copy-422x500

MARIING itinanggi ni Jake Vargas ang balitang break na sila ni Bea Binene.

“Sa February po ang anniversary namin, three years na po kami. Sobrang nagtataka nga kami ni Bea kung saan nanggaling ‘yung balita na break na kami. Heto nga at may movie kami together kaya walang katotohanan po ang tsismis,” sabi ng guwapong Kapusong actor matapos namin makausap sa press launch ng pelikulang Liwanag Sa Dilim.

Hindi raw dapat palakihin ang naturang isyu dahil wala namang katotohanan.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Wala pa siyang pangregalo para sa anibersaryo nila ni Bea.

“Wala pa akong time bumili kasi!” Tsaka inaalam ko pa kung ano ang gusto niya. Gusto ko siyang i-surprise para mas maganda,” sey pa ng isa sa mga host ng Walang Tulugan at mainstay sa Pepito Manaloto.

Marami kasi ang nakapansin sa pagiging cold nila sa isa’t isa ni Bea nang humarap sila sa press.

“Gano’n lang po kami ni Bea. May times na ‘di namin kailangan maging masyadong sweet sa publiko. Basta kami po ay okey at walang problema. Hindi porket ‘di kami nagki-kiss sa harap ng maraming tao ay may problema na kami. Maingat lang kaming dalawa sa mga ‘kinikilos namin in public,” paliwanag pa ng young actor.

Inamin niya sa amin na hindi pa rin niya nakakausap si Kuya Germs simula nang dumanas ito ng mild stroke. Pero may komunikasyon naman daw sila at updated siya sa mga nangyayari sa manager niya.

Kay Jake na rin namin nalaman na mahigit sa dalawampung kasamahan niya sa Walang Tulugan ang tinanggal. Desisyon daw naman yun ng management.