Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 73 banyaga na sangkot sa operasyon ng ilegal na online gambling sa loob ng isang condominium sa Makati City.

Sinabi ni Atty. Jose Carlitos Licas, BI intelligence chief, na arestado ang mga banyaga matapos maaktuhan na nagpapatakbo ng online gaming sa Super & Ventures Bldg. sa Paseo de Roxas Street, Makati City.

Kabilang sa mga dinampot ay mga Koreano, Amerikano, Taiwanese, Malaysian, Australian at Singaporean.

Ang 73 naaresto ay ikinulong sa Bicutan Immigration Jail habang hinihintay ang deportation proceedings laban sa grupo.

National

DOH, nagbabala tungkol sa 'Holiday Heart Syndrome'

Sinabi ni Licas na ang operasyon ng BI ay bunsod ng dalawang linggong surveillance operation laban sa illegal online gambling.

Sinabi pa ng opisyal na makatatanggap ng pabuya ang impormante sa ilegal na operasyon ng grupo mula sa ahensiya.

Kabilang sa mga nasamsam ng BI ang mga computer equipment, communication gadget at iba pang electronic device na ginagamit ng grupo sa illegal online gambling