Dumating na kahapon ang 13 mga dayuhang koponan na lalahok sa darating na 2015 Le Tour de Filipinas sa kapitolyo ng Balanga, Bataan dalawang araw bago sumikad ang ika-6 na edisyon ng karera, na siya ring ika-60 taon pagdiriwang ng multi-stage road cycling sa bansa.

Makakasama ng mga dayuhang koponan ang mga makakatunggaling dalawang lokal na koponan na Philippine National Men’s Team ng PhilCycling at ang continental team na 7-Eleven Road Bike Philippines para magkagitgitan sa apat na araw na International Cycling Union Asia Tour race na inihahatid ng Air21 at MVP Sports Foundation kasama ang Smart.

Nakumpleto ang 13 koponan bago mananghali kahapon at karamihan ay agad ding sumakay sa kanilang mga bisikleta upang agad na makapagsanay.

``The enthusiasm of the foreigners to race in Philippine soil was very evident as the teams which arrived before lunch in Balanga hit the road immediately and shook off the rust from their travel,” pahayag ni Donna Lina-Flavier, presidente ng race organizer na Ube Media Inc.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang mga dumating na foreign team na sasabak sa kererang suportado ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon ay ang Team Novo Nordisk (USA), RTS Santic Racing Team (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Singha Infinite Cycling Team (Thailand), Navitas Satalyst Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Pishgaman Yzad Pro Cycling Team (Iran), Tabriz Petrochemical Team (Iran) at ang national teams ng Uzbekistan at Kazakhstan.

Ang Stage One ay gaganapin bukas kung saan ang event ay suportado rin ng Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car and NLEX bilang road partners. Magsisimula at magtatapos ang Stage One sa Balanga na may distansiyang 126 kilometro.

Kasunod nito (Lunes) ay susulong ang karera sa Northern Luzon sa pagtungo nito sa Iba, Zambales mula Balanga na may distansiyang 153.75 kilonmetro.

Para naman sa penultimate stage, na binubuo ng 139.34 kilometro, magtatapos ang karera sa Lingayen na mula sa Zambales bago ang pinakahuling stage na may distansiyang 101 kilometro paakyat sa Baguio City via Kennon Road mula sa Lingayen.

Nakatakdang ipagtanggol ng No. 1 road racer at defending champion sa general individual classification na si Mark John Lexer Galedo, na kakatawanin ngayon ang national team, ang kanyang titulo.

Inaasahan naman na magiging mahigpit niyang makakalaban ang mga dating kampeon ng karera na kapwa Filipino na si Baler Ravina, ang 2012 titlist ng 7-Eleven Road Bike Philippines at Iranians na sina Ghader Mizbani, ang 2013 champion ng Tabriz Petrochemical Team, at Rahim Emami, ang 2011 champion ng Pishgaman Yzad Pro Cycling Team, bukod pa sa kasalukuyang No. 1 rider sa Asian ranking, ang kakampi ni Emami na si Mirsamad Poorseyediholakhour.