Enero 30, 1790 nang baybayin ng unang shore-based lifeboat “Original” ang Tyne River na matatagpuan sa hilagang bahagi sa England.

Binuo ng mandaragat na si Henry Greathead, ang double-ended lifeboat ay may sukat na 30 talampakan ang haba at may kargang 356 kilograms na tapunan. Nakilala ang lifeboat sa pagsagip ng daan-daang tao sa loob ng 40 taong serbisyo.

Ito ay bilang tugon sa naganap na trahedya noong 1789 kung saan nawawala ang isang crew matapos madiskaril ang sinasakyang barko dahil sa sama ng panahon. Wala ni isang sumaklolo sa mga crew. Ang resulta, hinimok ng mga negosyante ang mga tao na magdisenyo ng rescue boat, at ang kay William Wouldhave ang napiling disenyo.

Taong 1824 nang maitatag ang Royal National Lifeboat Institution sa United Kingdom. At late 1800 nang maisapubliko ang Shipboard lifeboats.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente