Sinabi kahapon ni Davao City Congressman Karlo Alexei Nograles na kailangang isuko at disarmahan ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga tauhang sangkot sa pagmasaker sa mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) bilang pagpapakita ng kanilang commitment sa proseso ng kapayapaan.

Ayon sa kanya, ang ganitong aksiyon ng MILF ay tiyak na makapagpapanumbalik sa tiwala ng publiko sa kanilang hangarin na matamo ang kapayapaan sa Mindanao at makalikha ng isang Bangsamoro entity na kayang magpatupad ng hustisya sa kanilang hurisdiksiyon.

“This is the chance for the MILF leadership to prove that they are capable of governance. They have to show that they are capable of repulsing lawlessness. They have to convince the people and Congress that their intention in pushing for the quick passage of the Bangsamoro Basic Law is to bring peace in Mindanao and not just create a territory where law and order doesn’t exist,” diin ni Nograles.

Nais din ni Nograles na magpaliwanag ang MILF kung bakit nasa kanilang teritoryo ang mga kilalang terorista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This could be the reason why the SAF did not coordinate their operation to the MILF. They fear that their operation will be burnt out because of the impression that the MILF are actually providing them protection,” dagdag niya.