Ang pagiging agresibo ng sprinters ang magdadala para sa maagang pagsubok sa pagpadyak ng 2015 Le Tour de Filipinas habang ibubuhos ng climbers ang lahat ng magagawa sa Stage Four na magtatapos sa matarik na lugar ng Cordilleras sa Baguio City.

Ang sixth edition ng Le Tour de Filipinas na iprinisinta ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation at Smart ang magmamarka na mayroong pitong intermediate sprints na ipinakalat sa lahat ng apat na stages.

At dahil sa magkakaroon lamang ng tanging apat na mountain primes—King of the Mountain (KOM)— ipakikita ng climbers ang huling pintig ng kanilang hininga sa four-stage race na suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon na magtatapos sa Baguio City, sa pagkakataon na ito ay hindi sa pusod ng Burnham Park ngunit sa mas estratihiyang pagtatapos sa harapan ng Baguio City Convention Center.

May kabuuang distansiyang 532.50 kms, ang 2015 Le Tour de Filipinas na magseselebra ng kanilang ika-60 taon ng multi-stage road cycling sa bansa ay inaasahang mas magiging mabilis na karerahan, ayon kay race manager Paquito Rivas.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“It will be a fast race with average speeds of no less that 40 kph,” saad ni Rivas, ang 1979 Tour champion na mas kilala bilang undisputed Eagle of the Mountain ng Philippine cycling.

“But come Stage Four, the climbers will make their one final push,” dagdag ni Rivas.

Ang karera na kaakibat din ng Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang road partners ay magsisimula sa Linggo mula sa 126-km Balanga-Balanga (Bataan) Stage One, susundan ng 153.75-km Balanga-Iba (Zambales) Stage Two, 149.34-km Iba-Lingayen (Pangasinan) Stage Three at ang 101-km Lingayen-Baguio City Stage Four.

Ang huling mountain prime (KOM) ay nakatakda at magsasara sa 1,500 meters above sea level. Sa unang pagkakataon makaraan ang apat na taon, ang Le Tour ay tatawid sa Summer Capital ng bansa via sa makasaysayang Kennon Road.

Labinglimang koponan ang muling eentra sa Union Cycliste International-calendared race.

Kabilang dito ang continental teams na Team Novo Nordisk (USA), RTS Santic Racing Team (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Singha Infinite Cycling Team (Thailand), Navitas Satalyst Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Pishgaman Yzad Pro Cycling Team (Iran), Tabriz Petrochemical Team (Iran) at 7-Eleven-Road Bike Philippines.

May tatlong national teams ang hahataw na kinabibilangan ng Philippine PhilCycling Team, Uzbekistan ay Kazakhstan.