Ipagpapatuloy pa rin ni Senator Ferdinand Marcos Jr. ang pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL) kapag nagkaroon na ng linaw ang isyu sa pagkasawi sa 44 miyembro ng Philippine National Police–Special Action Force (PNP-SAF).
Aniya, sa Miyerkules ay uusad na ang pagdinig kaya umaasa rin siya na magkakaroon ng katugunan ang mga tanong kung bakit nangyari ang madugong engkuwentro.
“First step is to find the truth, that’s our job” sinabi ni Marcos nang magsalita siya sa Meet the Press, ang lingguhang forum ng National Press Club (NPC).
Matatandaang sinuspinde ni Marcos noong Lunes ang pagdinig sa BBL dahil na rin sa sagupaan sa Maguindanao.
Sinabi ni Marcos na dapat magkaroon ng linaw kung bakit walang reinforcement mula sa tropa ng gobyerno, at bakit hindi agad nakuha ang mga sugatan.
Aniya, sa isang plano ay dapat nakalagay kung paano makakalabas mula sa lugar, pero sa insidenteng ito ay mukhang may mga naging pagkukulang.
Tiwala rin si Marcos na may mga mababago sa BBL.