Kobe Bryant

Los Angeles (AFP)– Naging matagumpay ang shoulder injury ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant, ang ikatlong sunod na taon na sumailalim siya sa isang season-ending procedure, ayon sa koponan mula sa National Basketball Association.

Ang dalawang oras na surgery, na umayos sa torn rotator cuff sa kanyang kanang balikat, ay isinagawa nina Neal ElAttrache at Steve Lombardo sa Kerlan-Jobe Orthopedic Clinic sa Los Angeles.

Ang 36-anyos na si Bryant ay inaasahang magpapahinga ng siyam na buwan at sinabi ng mga doktor na kasama ang masusing rehabilitasyon at maaari siyang makabalik sa oras para sa kanyang ika-20 season sa Lakers.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“I expect Kobe to make a full recovery and if all goes as expected, he should be ready for the start of the season,” sabi ni ElAttrache.

Sa huling tatlong taon, si Bryant ay nagtamo ng season-ending injury, matapos ang torn Achilles tendon noong Abril 2013 at isang nabaling buto sa kanyang tuhod noong nagdaang season.

Ang 19-year veteran at five-time NBA champion ay nagtamo ng injury sa kanilang 96-80 na pagkatalo kontra New Orleans noong nakaraang linggo.

Si Bryant ang highest-paid player ng NBA sa $23.5-milyon.

Siniguro ng Lakers na magbigay ng payak na timeline para inaasahang pagbabalik ni Bryant upang igiit na hindi nila ito inaasahang magreretiro.

Napinsala ang kanyang balikat nang i-dunk ang bula laban sa Pelicans at noong Lunes ay inanunsiyo ng koponan na pinili nitong maoperahan.

“In my mind right now, he’s coming back next year, unless he tells me something different,” saad ni Lakers coach Byron Scott noong Miyerkules.

“But I think the biggest thing with Kobe, as long as [people] are saying that he’s done, he’s going to come back.”

“I think he proved his point this year that he still has a lot left in the tank.”

Si Bryant ay nag-average ng 223. Puntos, 5.7 rebounds at 5.6 assista sa 35 laro ngayong season.