Ang tanyag na torneo ng junior tennis na idinadaos sa bansa sa huling 25 taon ay makakatanggap ng espesyal na pagkilala mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA).

Nakatakdang mailuklok ang Mitsubishi Lancer Internatioanl Junior Tennis Championship sa Hall of Fame ng pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa sa Annual Awards Night na handog ng MILO at San Miguel Corp. sa Pebrero 16.

Sa mahigit dalawang dekada, ang taunang netfest ay nagsilbi bilang breeding ground ng ilan sa pinakamagagaling na manlalaro sa mundo at sanctioned ng International Tennis Federation (ITF) hanggang sa huling pagdaraos nito sa ika-25 taon noong nagdaang taon.

Ang dating world no. 1 na si Andy Roddick at Lleyton Hewitt at world doubles champion Leander Paes ay ilan sa kilalang netters na minsang sumabak sa aksiyon sa Mitsubishi Lancer tilt, habang ilan sa locals ay sina Francesca La’o, Jennifer Saret, at Maricris Fernandez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang torneo ay kinunsidera rin bilang Grade One tournament ng ITF, na nangangahulugang ang antas ng kumpetisyon ay mas mahirap at puno ng hamon.

Ang ilang personalidad na una nang nailuklok sa Hall of Fame ng PSA sa taunang awards night na katuwang ang Smart, MVP Sports Foundation, at Meralco bilang principal sponsors at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang major sponsor ay sina boxing icon Manny Pacquiao, bowlers na sina Paeng Nepomuceno at Bong Coo, basketball greats Caloy Loyzaga at Lauro Mumar, pro boxers na sina Pancho Villa at Gabriel “Flash” Elorde, amateur boxer Mansueto “Onyok” Velasco, track stars Lydia De Vega at Mona Sulaiman, swimmer Teofilo Yldefonso, tennis player Felicisimo Ampon, unang Grandmaster ng Asia na si Eugene Torre, at golfers na sina Ben Arda at Celestino Tugot.

“After celebrating its silver anniversary last year, it is with great pride and honor for the PSA to elevate to its roster of Hall of Famer the Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championship,” pahayag ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.

Ang Hall of Fame award ang pinakahuli sa napabilang sa honor list ng taunang seremonya na sinusuportahan din ng ICTSI, Philippine Basketball Association (PBA), Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO), Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), Rain or Shine, Globalport, Air21, Maynilad, Accel, at National University.

Ang mga una nang pinangalanan ay ang 1973 Philippine men’s basketball team (Lifetime Achievement Award), Tim Cone (Excellence in Basketball), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), at Princess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year).

Ang mga magkatunggali para sa prestihiyosong pagkilala bilang Athlete of the Year ay sina BMX rider Daniel Caluag, boxing champion Donnie Nietes, at archer Gabriel Moreno.