NAGPAALAM na sa kumpetisyon ang tig-iisang artist ng bawat team sa The Voice of the Philippines Season 2 noong nakaraang linggo, at ngayong weekend, muling kakanta para sa kanilang pangarap ang natitirang artists upang umapela na iligtas ng publiko at ng kanilang coaches.

Maglalaban-laban sa susunod na live shows sina Alisah Bonaobra, Bradley Holmes, at Mackie Cao ng Team Apl; Jason Dy, Kokoi Baldo, at Douglas Dagal ng Team Sarah; Arnee Hidalgo, Rence Rapanot, at Tanya Diaz ng Team Bamboo; at Casper Blancaflor, Miro Valera, at Timmy Pavino ng Team Lea.

Tutukan ang lahat ng performances, bumoto at maaaring makisali sa kuwentuhan kasama ang artists sa live chat na magaganap habang live shows sa pamamagitan ng pag-log on sa thevoice.abs-cbn.com.

Noong nakaraang linggo, iniligtas ng mga boto ng publiko at ng coaches sina Daryl Ong at Suy Galvez ng Team Apl, Monique Lualhati at Jason Fernandez ng Team Sarah, Kai Honasan at Rita Martinez ng Team Bamboo, at Leah Patricio at Nino Alejandro ng Team Lea. Samantala, naligwak na sina Ferns Tosco, Poppert Berdanas, Karlo Mojica, at Abbey Pineda.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinu-sino ang isasalba ng publiko at ng coaches? At sinu-sinong naman ang hindi na makakapagpapatuloy patungong grand finals?

Abangan ang kasagutan sa live shows sa top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines ngayong Sabado, 8:45 PM at Linggo, 8:30 PM sa ABS-CBN.