Isang batalyon ng sundalo ng Philippine Marines ang ipinadala sa Maguindanao, dalawang araw matapos ang madugong engkuwentro ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) at pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano.

Iginiit naman ng militar na ang pagbalik ng Marine battalion sa Maguindanao ay walang kaugnayan sa malagim na engkuwentro sa Mamasapano noong Linggo.

Sa isang kalatas, sinabi ni Capt. Jo Ann Petinglay, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, na ibinalik lang ang isang batalyon ng Marines sa area of operation ng 6ID matapos ang kanilang operasyon laban sa grupong Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan na inilunsad noong Marso 2014.

“This Marine battalion has just been redeployed back to its mother unit which is the 1st Marine Brigade whose area of responsibility covers the coastal towns and Senator Ninoy Aquino of Sultan Kudarat Province and the towns of Upi and Datu Blah Sinsuat, Maguindanao,” dagdag ni Petinglay.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Aniya, matagal na dapat na naipatupad ang redeployment ng Marines at wala itong kinalaman sa mga pinakahuling kaganapan sa Central Mindanao.