Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na puspusan na ang ginagawang imbestigasyon ng PNP-Board of Inquiry kaugnay ng bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) nitong Enero 25.

Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Generoso Cerbo na hinihintay lang nila ang resulta ng imbestigasyon ng BOI upang masagot ang lahat ng katanungan tungkol sa umano’y miscounter.

“Hintayin na lang natin ang resulta ng imbestigasyon upang masagot namin ang inyong katanungan hinggil sa madugong engkuwentro,” sinabi ni Cerbo.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang PNP kaugnay ng pagkakasangkot ng suspendidong si PNP chief Director General Alan Purisima sa nasabing operasyon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang pagkakasangkot ng suspendidong si Purisima ang isa rin sa iimbestigahan ng BOI upang malaman ang katotohanan sa engkuwentro.