Vhong-Navarro

NITONG nakaraang Lunes ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati si Ferdinand Guerrero, isa sa mga suspect sa pambubugbog sa It’s Showtime co-host na si Vhong Navarro. Isa si Guerrero sa mga akusado sa isinampang kaso ni Vhong noong Enero 2014.

Sabi sa pahayag ni Vhong noong Miyerkules hinggil sa pagpapaaresto

kay Guerrero, “Siyempre, ako’y natutuwa na nahuli na nga at nasakote ng NBI ang isa sa mga nambugbog sa akin. Ngayon, unti-unti kong nakikita ang justice sa atin. Tuloy po ang laban.”

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Pero kahit nahuli na si Guerrero, hindi pa rin kampante ang TV host/comedian dahil naniniwala siyang meron pa ring sangkot sa kaso na hindi pa nahuhuli. 

“Hindi naman nawawala ‘yung takot pero naniniwala pa din ako sa justice natin na lahat ay magiging maayos. Siguro, ako kailangan ko pang magdasal pa na sana magkaroon ng katarungan ang ginawa sa akin,” sabi ni Vhong.

Nagpapasalamat si Vhong sa madlang pipol na walang sawa pa ring sumusuporta sa kanyang pinagdadaanan.

“Nagpapasalamat ako sa (publiko), na patuloy na nagdarasal  at naniniwala sa akin. Maraming salamat dahil kayo ang dahilan  kung bakit ako nananatili at nagiging malakas,”  madamdamin niyang pahayag.