TULOY ang ligayang hatid ng TV5 ngayong 2015 lalo pa’t dalawang “HappyLipinas” tours ang dala nila sa Kapatid viewers sa Cebu at sa Davao ngayong weekend.

Sa Sabado (Enero 31), lilipad papuntang Cebu sina Empoy Marquez at Bianca King ng Mac & Chiz, LJ Moreno-Alapag ng Happy Wife, Happy Life; Arnel Ignacio ng Solved Na Solved, at BB Gandanghari ng 2 ½ Daddies para maghatid saya sa gaganaping “HappyLipinas” event sa Barangay Inayawan, Cebu City.

Samantala, ang Wattpad stars na sina Mark Neumann at Shaira Mae, at Happy Wife, Happy Life host na si Jeck Conwi-Maierhofer ay makiki-party naman sa Davaoenos sa kasabay na “HappyLipinas” event sa Barangay 5-A, Davao City.

Hindi dapat palampasin ang iba’t ibang pakulo’t kasiyahang hatid ng Happy Network sa mga barangay. Magkakaroon ng “clash of the streetdancers” sa pamamagitan ng dance competition na ang mananalo ay magkakamit ng cash prize! Kung ikaw ay loyal Kapatid viewer, may tsansa kang manalo ng exciting prizes sa gaganaping “Happy Trivia Game” tungkol sa inyong mga paboritong TV5 programs.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Bukod pa sa mga ito, mayroon ding happy booths na itatayo upang makapaghatid serbisyo-publiko sa mga nangangailangan.

At dahil nag-uumapaw ang saya sa TV5, literal na ipapasa ang saya at ligaya sa mga Kapatid sa pamamagitan ng “Happy Ball” na may dalang suwerte at mga papremyo sa makakahawak nito.

Huwag palampasin ang happy weekend na dala ng TV5 sa inyong lugar. Makipasa at makisaya sa “HappyLipinas” barangay tours ng TV5!