Bro.-Jun-Banaag-copy

IBILANG ang mga kilalang persosnalidad tulad nina Armida Seguion-Reyna, Dulce, Sylvia La Torre (na nakabase sa America), at Dr. Elmer Punzalan ng Department of Health sa hindi mabilang na mga tagasubaybay ng malaganap na programang Dr. Love sa DZMM.

Sa entertainment writers ay suki na sina Pilar Mateo, Alfie Lorenzo at Bong de Leon sa gabi-gabing (11:00 PM - 1:00 AM) nagpupuyat sa pakikinig kay Bro. Jun Banaag aka Dr. Love.

Ano ang ipinagkaiba ng Dr. Love sa mga tagapayo na pawang produkto ng ABS CBN tulad ng yumaong Helen Vela, Kuya Cesar at Dely Magpayo?

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Praktikal at hindi paliguy-ligoy sa kanyang pagpapayo si Dr. Love at sorry na lang kung tawagin niyang tanga ang kababaihang patuloy na nagpapakamartir sa pang-aabuso ng kanilang mister. Gayundin sa mga kerida na ayaw humiwalay sa lalaking pag-aari na ng iba.

Hindi pa man dumadalaw sa Pilipinas si Pope Francis ay paulit-ulit na itinatanim ni Dr. Love sa isipan ng lahat ang kahalagahan ng pamilya at pananampalataya sa Poong Maykapal.

Seventeen years na ang Dr. Love, a track record na mahirap mapantayan. Ang unang counselling show ni Bro. Jun ay ang Sex Education sa Radio Veritas.

Ang Dr. Love ay nasa Hall of Fame na ng Catholic Mass Media Awards at napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Chanel o TFC.